Nasa pangangalaga na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni Aguirre na naging mahigpit ang pagbabantay sa seguridad kay Sebastian nang ilipat ito sa NBI detention facility nitong Martes ng gabi.

Ayon sa kalihim, may banta sa buhay ni Sebastian kaya pansamantala ay inilipat ito sa kustodiya ng NBI mula sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Aniya, pinaiimbestigahan na niya ang sinasabing banta sa buhay ng bilanggo, at kapag nakumpirma sa imbestigasyon na negatibo ito ay kaagad na ibabalik si Sebastian sa NBP.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Isa si Sebastian sa mga high-profile inmate sa Bilibid na tumestigo laban kay Senator Leila de Lima kaugnay ng paglaganap umano bentahan ng droga sa NBP.

Matatandaang nasugatan din si Sebastian sa pananaksak sa maximum security compound kamakailan, na ikinamatay ng isa pang high-profile inmate na si Tony Co. (Beth Camia)