cogie-at-lovi-copy

MEDYO nag-gain na ng weight si Cogie Domingo, pero guwapo pa rin, nang nakausap namin sa set ng Someone To Watch Over Me. Siya ang gumaganap na new love interest ni Lovi Poe, ngayong hindi na ito nakikilala ng asawang si TJ played by Tom Rodriguez.

Alam ng lahat na kahit mahusay na actor si Cogie, dati siyang nagbigay ng problema sa kanyang co-stars noon at sa production ng drama series na ginagawa niya. Naging unprofessional siya, madalas na biglang nawawala sa set.

“Iba na ako ngayon,” sagot ni Cogie. “Thirty one na ako, at I’m back for good. Kung pasaway ako noon, seryoso na ako ngayon. Tanungin ninyo sila sa production kung nagbibigay pa ako ng problema sa kanila.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

May confirmation naman mula sa production at kina Lovi at Tom, na wala silang anumang naging problema kay Cogie. Very cooperative daw siya sa set, kahit pa medyo late na sila natatapos ng taping.

Hindi ba siya nanghinayang sa mga taong nagpabaya siya sa career niya gayong very promising siya noon?

“Yes, may regret, pero siguro part na iyon ng growing up ko. Siguro kailangan kong pagdaanan iyon para matuto. Sa ngayon, may asawa at anak na ako.”

Four years old na ang anak niyang si Rihanna pero hindi ito anak ng wife niya ngayon. Iniwan sa kanya ng mommy nito si Rihanna dahil nagpunta na ito sa Australia. May eight-year old daughter din ang wife niya sa previous relationship nito, pero magkasundo at happy family sila, walang problema.

Matatapos na next week ang kanilang primetime teleserye. So, sina Ian at Joanna ba ang magkakasama sa finale?

“Iyon ang dapat abangan ng mga televiewers. Napakaganda ng ending ng love story nina TJ at Joanna, tiyak iiyakan ninyo pero may sigh of relief din. Sa January 6, final episode na namin, after ng Alyas Robin Hood.”

May kasunod na bang project ang Someone To Watch Over Me?

“Sana nga may kasunod agad, pero habang naghihintay ako, I will do workouts para mabawasan ang unwanted fats sa katawan ko. Salamat po sa lahat ng mga tumangkilik sa aming teleserye.” (NORA CALDERON)