PINAGPAPASENSIYAHAN na lang ni Aiko Melendez ang walang tigil na pag-aalipusta sa kanya ng bashers na panay ang kantiyaw na photoshopped daw ang kanyang mga litratong ipino-post lately.

Hindi makapaniwala ang bashers sa larawang kuha ni Aiko in her sizzling hot bikini photos. Edited daw ang mga ito.

“Kakainis, when I used to be fat how they bashed me. :( Now that I worked hard for my body, meron pa din pintas. I’m not perfect,” post ni Aiko sa kanyang Instagram account.

Kibit-balikat lamang si Aiko, pero hindi pa rin makatiis na magkomento sa pagiging unfair ng kanyang bashers.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

(Ador Saluta)