PAGKAKAISA ang layunin ng mga National Sports Associations (NSA’s) para matulungan ang isa’t isa sa pagtakda ng kanilang mga taunang plano at aktibidad, project planning hanggang sa pagsusumite ng kanilang mga dokumento na kinakailangan sa pagsabak sa torneo sa abroad.

Ito ang napagkasunduan matapos ang pagpupulong ng mga kinawatan ng NSA, sa pamumuno ni karate-do president at POC 1st Vice President Joey Romasanta.

Ang mga nagboluntaryo na mangangasiwa ng kaayusan ay sina Robert Bachman ng president ng Squash; si Ada Milby na Secretary General ng Rugby; si Princess Kiram na presidente ng Pencak Silat; si Richard Fernandez mula sa Shooting; si Raymund Reyes na secretary general ng Karatedo at si Jonne Go na auditor ng POC at president ng PCKDF.

Ito ang ikalawang grupo na kung saan mismong ang mga namumuno sa NSA’s at hindi ang mga nahalal na lider at miyembro ng POC Board ang nagkusa na manguna para matulungan ang kanilang kapwa NSA na magtagumpay sa pag-oorganisa ng mga torneo at maging sa paglahok sa internasyonal na kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang una ay ang itinatag na Martial Arts Sports Council sa pangunguna naman ni Congressman Monsour Del Rosario ng Taekwondo. (Angie Oredo)