Nangako si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III ng balasahan at sibakan sa mga labor inspector nagpapabaya sa tungkulin.

“I will reorganize some of the people in the department, including labor inspectors, aside from losing their jobs, inspectors will face administrative charges if found guilty of accepting bribes from employers,” diin ni Bello.

Tinukoy niya ang mga ulat na ilang labor inspector ang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa mga paglabag ng iba’t ibang kumpanya at employer. “Papalitan namin ang mga inspectors dyan na mga walang mata at bingi,” ani Bello.

Muli rin niyang hinikayat ang publiko na ipaabot ang kanilang mga reklamo sa DoLE Hotline 1349 laban sa mga tiwaling labor inspector. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'