Bubuo ang Department of Labor and Employment (DoLE) at ang pribadong sektor ng Philippine workforce profile para sa mas epektibong job matching.

Lumagda sa memorandum of understanding (MOU) para magkakatuwang na bumuo ng standard workforce profile ang DoLE, Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Chamber of Commerce and Industries (PCCI), Servicio Filipino Inc. (SFI) Group of Companies, at Systems Technology Institute (STI).

“Sa ilalim ng kasunduan, ang ECOP at PCCI ay tutulong at susuportahan ang mga programang pang-empleyo ng DoLE tulad ng JobStart, Philippine Talent Map Initiative (PTMI), at PhilJobNet,” sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

(Mina Navarro)