Tiyak na magiging masaya ang Pasko ng mga school-based personnel ngayong taon matapos ipahayag ng Department of Education (DepEd) ang nalalapit nang paglalabas ng kanilang performance-based bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2015.

Ayon sa DepEd, kabilang sa mga unang mapagkakalooban ng PBB ay ang mga school-based personnel ng kagawaran sa Regions 4A, 4B, 5, 6, 11, 12, Cordillera Administrative Region (CAR), CARAGA at National Capital Region (NCR).

Nabatid na ito ay kasunod ng memorandum na inisyu ni DepEd Planning Service and Field Operations Undersecretary Jesus Mateo na nag-aatas sa field offices na ihanda na ang payroll ng mga ito batay sa ranking reports na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Nakasaad din sa memorandum na para sa transparency, hinihikayat ang public posting ng ranking reports.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaugnay nito, ipinahayag din ng DepEd na ipinoproseso na rin ng DBM ang bayad sa PBB ng iba pang rehiyon.

(Mary Ann Santiago)