MAINIT ang mga eksena nina Britney Spears at Sam Asghari sa music video ng Slumber Party at ngayon ay tila nagkakamabutihan na sila.

Namataan at nakuhanan ng litrato nitong nakaraang Linggo na tumatawa ang singer habang kasama ang modelo sa dinner sa Japanese restaurant na Gyu-Kaku sa L.A.

Ayon sa source, tatlong beses nang nag-date sina Spears, 35 anyos at Asghari, na masayang kinikilala ang isa’t isa.

Nagsimula ang mga haka-haka nitong huling bahagi ng Nobyembre tungkol sa pagdi-date ng dalawa nang mag-post si Asghari, na itinampok din sa music video ng Work From Home ng Fifth Harmony, ng litrato niya – pero burado na ngayon – na komportableng kasama si Spears sa isang restaurant.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong nakaraang buwan, ibinahagi ni Spears, na nakipaghiwalay kay Charlie Ebersol noong Hunyo pagkatapos ng walong buwang pagsasama, sa The Jonathan Ross Show na hindi siya naghahanap ng bagong karelasyon.

“A lot of men are about games,” aniya. “It’s just the mind game with guys, the calling back and texting. It’s just too much. It’s silly. I’m not looking for men right now. I’m really happy with myself.” (People.com)