Inihayag kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) at ng Department of Energy (DoE) ang pansamantalang pagsasara ng Malampaya natural gas facility sa susunod na buwan, na magreresulta sa pagkawala ng 700 megawatt (MW) na suplay ng kuryente sa bansa.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, isasara ang Malampaya para sa maintenance mula Enero 28 hanggang Pebrero 16, 2017. Gayunman, hindi tataas ang singil sa kuryente bunsod ng maintenance shutdown dahil pinaghahandaan na nila ito. (Mary Ann Santiago)