BUTUAN CITY – Walong umano’y tulak ng droga, kabilang ang isang high-value target (HVT) ng pulisya, ang naaresto sa anti-illegal drug operations ng mga awtoridad sa Surigao City at Cabadbaran City.

Ayon sa paunang report kay Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix, nakumpiska rin sa magkahiwalay na operasyon ang aabot sa P1.5 milyon shabu, isang .45 caliber Smith and Wesson pistol, mga bala at drug paraphernalia.

Sa report ng Surigao City Police, naaresto sa buy-bust, dakong 5:00 ng hapon nitong Disyembre 17, sa Tavern Hotel Annex sina Magnaye C. Gales, 33, ng Barangay Kaskag; Iven T. Navarro, 34, HVT; Troyjohn M. Taglucop, 25; Clifford Y. Lafuente, 22; Maria Christy E. Celades, 22; at Sharon I. Ecoben, 26, pawang taga-Bgy. San Juan, Surigao City.

Dakong 2:00 ng hapon nang araw na iyon ay sinalakay naman ng mga operatiba ng Cabadbaran City Police, Agusan del Norte Police Provincial Office, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 13, ang Cabeltes Street sa Bgy. 6 sa bisa ng search warrant.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naaresto sina Jinky Digdigan, 38; at Victor Salalima, 50 anyos. (Mike U. Crismundo)