Sinabi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na handa siyang bumaba sa puwesto sakaling tuluyan nang nawalan ng tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Duterte kaugnay ng P50-milyon extortion scandal sa Bureau of Immigration (BI).

“I have no problem in resigning or being out of the government. If the President loses even a single bit of trust and confidence in me, I will not insist on clinging on to this position,” sinabi ni Aguirre sa isang panayam. “I will not lose a single night sleep if I lose this position.”

Ang BI ay nasasaklaw ng Department of Justice (DoJ).

Sinabi ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa mga ilegal na casino operation ng gaming tycoon na si Jack Lam sa Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Inirekomenda ni Aguirre, at inaprubahan ng Pangulo, ang pagsibak sa serbisyo kina BI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na idinadawit sa pangingikil umano kay Lam upang mapalaya ang ilan sa mahigit 1,000 Chinese na naaresto sa ilegal na pagtatrabaho sa Fontana.

Bago pa man inihayag ni Pangulong Duterte ang pagsibak niya kina Argosino at Robles at nagsipagbitiw na sa trabaho ang dalawa, na kapwa appointee ng Presidente.

Sinibak na rin ni Aguirre ang mga appointee naman niyang sina BI intelligence division chief Charles Calima, Jr. at Edward Chan, technical assistant for intelligence, na sangkot din sa kontrobersiya. (Rey G. Panaligan)