Bagamat nananatiling stable ang presyo ng mga produktong pang-Noche Buena ngayong Christmas season, inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na posibleng maapektuhan ang supply ng mga ito sa maliliit na grocery at pamilihan dahil sa tumitinding trapiko sa Metro Manila.
Dahil sa lumalalang traffic ngayong holiday season, naaantala ang delivery ng mga produkto.
Dahil dito, nanawagan si DTI Undersecretary Ted Pascua sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gumawa ng mga hakbangin upang maibsan ang trapiko dahil posible aniyang mameligro ang distribusyon ng mga produktong pang-Noche Buena sa maliliit na pamilihan. (Bella Gamotea)