TARLAC CITY - Halos maligo sa sariling dugo ang isang babae matapos siyang burdahan ng saksak ng kanyang live-in partner sa Barangay Burot, Tarlac City, nitong Biyernes ng umaga.
Hindi na umabot nang buhay sa Ospital Ning Capas si Nenita Maristella, ng Purok Aquino, Bgy. Murcia, Concepcion.
Tinangka namang tumakas ni Maximino Rigor, 53, ng Purok Ros, Bgy. San Agustin, Victoria, ngunit nahabol siya at kinuyog ng taumbayan kaya isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos magtamo ng mga sugat sa insidente.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Aldrin Dayag, nag-away ang magka-live in hanggang sa pagsasaksakin ni Rigor si Maristella. (Leandro Alborote)