Dinala sa presinto ng isang guro ang dalawa niyang estudyante matapos makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob mismo ng kanilang classroom sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay SPO3 Richard Bautista ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), kapwa 15-anyos at Grade 11 ang dalawang estudyante.

Sa salaysay ng guro kay SPO3 Bautista, dakong 2:00 ng hapon, palihim na isinumbong ng kanilang mga kaklase ang dalawang estudyante matapos umanong ipagmalaki ang mga dahon ng marijuana.

Dahil dito, kinapkapan ng guro ang dalawang estudyante at nakuha sa bulsa ng mga ito ang tig-isang dahon ng marijuana na nakalagay sa plastic sachet.

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

Dinala na sa DSWD holding area ang dalawang estudyante. (Orly L. Barcala)