Matapos na mariing itanggi ang iginigiit ni Vice President Leni Robredo na may plano ang gobyerno na agawin dito ang pagka-bise presidente pabor kay dating Senator Bongbong Marcos, itinalaga kahapon si Secretary to the Cabinet Jun Evasco bilang bagong housing czar.

Si Evasco ang nag-text kay Robredo upang iparating ang utos ni Pangulong Duterte na huwag nang padaluhin sa lingguhang cabinet meeting ang Bise Presidente simula kahapon.

Una nang sinabi ni Evasco na walang binanggit si Pangulong Duterte na may kinalaman kay Marcos ang hindi pagpapadalo kay Robredo sa cabinet meeting.

Ganito rin ang paglilinaw kahapon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sinabing kahit pa mawalan ng kumpiyansa ang Pangulo kay Robredo ay hindi ito gagawa ng paraan upang mapatalsik sa puwesto ang huli.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, ang alegasyon na plano ng administrasyon na agawin ang pagka-bise presidente ni Robredo ay “speculation” lamang.

“That’s speculation coming from the camp of the Vice President….Our job is to implement the policies of the President,” ani Andanar. (Beth Camia at Genalyn Kabiling)