LA PAZ, Tarlac – Kakasuhan ng paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang isang 43-anyos na lalaki matapos niya umanong bosohan ang kapitbahay na dalagita habang naliligo ito sa Barangay San Roque sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga.
Sa imbestigasyon ni PO2 Carol Almazan, naaresto si Philip Dela Cruz, may asawa, sa pamboboso sa kapitbahay niyang 17-anyos.
Nahuli umano ng dalagita ang paninilip ni Dela Cruz sa bubungan ng bahay ng biktima. (Leandro Alborote)