Isang sinasabing drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation sa Taytay, habang pito namang naaktuhan sa pot session ang dinakip sa Rodriguez, parehong sa Rizal.

Ayon sa report, katuwang ng Taytay Police ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 4-A nang ikasa ang buy-bust laban kay Rene Boy Casiong, nasa hustong gulang, ng Barangay Dolores, dakong 2:30 ng umaga nitong Huwebes.

Nanlaban umano si Casiong, na nakumpiskahan ng isang baril na kargado ng mga bala, tatlong plastic sachet na may hinihinalang shabu, 21 bukas na plastic sachet na may latak ng hinihinalang shabu, marked money at drug paraphernalia.

Bandang 5:30 ng hapon nang araw ding iyon nang madakip naman sa pot session sina Lilibeth Gaa y Arce, 57; Christopher Padilla y Gonzales, 43; Andres Casamais y Jackson, 54, pawang taga-Bgy. Burgos; Noelito Opina y Galdones, 40, ng Bgy. Manggahan; Jose Sagun y Alvarez,40, ng Bgy. San Jose, Rodriguez; Ruben Vergara y Torres, 45, ng Bgy. Maly, San Mateo; at Marjo Samson y Valera, 38, ng Bgy. Ampid, San Mateo, Rizal. (Madelynne Dominguez)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?