PINABULAANAN ni Xian Lim ang isyu na pinagsabihan daw niya si Kim Chiu na huwag basta-basta magpapadala sa matatamis na salita ni Gerald Anderson.

May agam-agam daw kasi si Xian ngayong nagkakatrabaho muli sina Kim at Gerald sa bagong seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. Natatakot daw siya na baka magkainlaban muli ang dalawa.

“Sa totoo lang, eh, nabasa ko nga ‘yan, pero kung sinuman ang gumawa ng istorya na ‘yan, eh, walang magawa ‘yan. Wala naman kasing ganu’n. I mean, kung pag-uusapan ang tungkol sa trabaho, eh, hindi kami nakikialam sa anumang desisyon ng isa’t isa. Walang ganu’ng isyu,” paliwanag ni Xian.

Masaya raw siya sa desisyon ni Kim na tanggapin ang teleseryeng pagbibidahan nila ni Gerald.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“For me, it’s a very good move para sa kanya. I’m sure naman na makakapag-produce ang ABS-CBN ng magandang project para sa kanilang dalawa ni Gerald,” sey ng aktor.

Naniniwala si Xian na anumang project na ipagawa sa kanila ng ABS-CBN ay para sa pag-usbong ng career nila. Hindi ba siya kinakabahan na kung sakaling mag-click uli nang husto ang tambalan nina Kim at Gerald ay baka maitsa-puwera na siya?

“Well, wala namang dapat ikatakot. I mean, desisyon ‘yun ng management at kung anuman ang mangyari, eh, sila naman talaga ang masusunod. Pero for sure naman, eh, it’s a great project, mapa-Kimerald project o Coleen-Xian project, eh, for sure, it’s a wonderful project,” lahad pa ng actor.

Positibo si Xian na maganda ang resulta at tatanggapin ng televiewers ang serye nina Kim at Gerald. Pero kung si Kim ay balik-tambalan kay Gerald, may project din naman si Xian na si Coleen Garcia ang kanyang kapareha.

“Mapapanood nila muna kami ni Coleen sa Maalaala Mo Kaya. Nakapag-taping na kami. That’s something to look forward to,” sambit pa ni Xian. (JIMI ESCALA)