KUALA LUMPUR (Reuters) – Sinabi ni Malaysian Prime Minister Najib Razak noong Linggo na hindi siya magpapatawag ng snap election sa susunod na taon, sa harap ng matagal nang financial scandal sa bansa.

Nakatakdang magdaos ang Malaysia ng halalan sa Agosto 2018, ngunit may mga nagsasabi na posibleng magpatawag si Najib ng halalan sa second half ng 2017.

Gayunman, sa panayam ng pahayagang The Star nitong Linggo, nagpahaging ni Najib na hindi siya nagmamadaling magpatawag ng botohan.

“Not necessarily... it can be later,” ani Najib nang tanungin kung mangyayari ang halalan sa susunod na taon.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'