Nakopo ng Colegio de San Lorenzo ang ikaapat at huling upuan sa Final Four nang dominahin ang University of Batangas, 88-49, nitong Sabado sa pagtatapos ng elimination ng Universities and Colleges Basketball League sa Olivarez Sports Center sa Paranaque City.

Pinangunahan nina Charles Callano at Dominic Formento ang ratsada ng Griffins para makausad sa cross-over semifinals kung saan makakaharap nila ang may ‘twice-to-beat’ na bentahe na top seed Centro Escolar University Scorpions.

Magtututos sa hiwalay na semis duel ang No. 2 Technological Institute of the Philippines at No. 3 Olivarez College.

Tangan din ng TIP Engineers ang twice-to-beat advantage laban sa Olivarez Sea Lions.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kumubra si Callano ng 21 puntos, habang tumipa si Formento ng 20.