ROME (AP) – Nananawagan ang mga opisyal ng United Nations at Vatican na paigtingin pa ang mga pagsisikap na mawakasan ang mga pang-aabuso sa karapatan, kabilang na forced labor at human trafficking, sa fishing industry ng mundo.

Sinabi ni Jose Graziano da Silva, director-general ng Rome-based Food and Agriculture Organization, nitong Lunes na ang industriya ay nagbibigay ng pagkain at kita para sa milyun-milyong tao. Gayunman, nakakalungkot na ang industriya ring ito ay nagbibigay ng maraming pagkakataon para maabuso ang pinakamahihina.

Sa pagmamarka ng World Fisheries Day, inirekomenda ni Vatican secretary of state Cardinal Pietro Parolin na magtulungan ang mga bansa upang maputol ang “chain of exploitation” sa fishing industry sa mundo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina