Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) laban sa isang uri ng eye drops o pamatak sa mata na hindi rehistrado sa kanilang tanggapan at posibleng mapanganib sa kalusugan.

Sa FDA Advisory 2016-134-A, ipinabatid ni Director General Nela Charade Puno sa publiko na hindi rehistrado ng FDA ang Natamycin (Natak) Ophthalmic Suspension USP 5 mL, na ipinagbibili ng Pharmtak Ophthalmics (I) Pvt. Ltd., mula sa Borivly, Mumbai, India. (Mary Ann Santiago)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist