Nahaharap ngayon sa mga kasong administratibo si Senator Leila de Lima kaugnay ng pag-amin niya sa isang panayam ng telebisyon na nagkaroon sila ng relasyon ng dati niyang driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Sa kanyang 46 na pahinang reklamo, hiniling ng anti-graft crusader na si Greco Belgica ang anim na buwang suspensiyon laban sa senadora.

“Senator De Lima used her power and moral ascendancy to portray the role of Whitney Houston in the movie Bodyguard.

She freely and voluntarily admitted to the public via television that she had an illicit relationship with Ronnie Dayan, a married man,” pahayag ni Belgica.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idinagdag niya na “such act is illegal and clearly prejudicial to the interest of the service and with her admission, she should be preventively suspended.” (Jun Ramirez)