TARLAC CITY – Parehong nasawi ang isang motorcycle rider at angkas niya matapos silang mabangga ng kasalubong na pampasaherong bus sa highway ng Barangay Aguso sa Tarlac City, dakong 3:20 ng umaga nitong Huwebes.
Kinilala ni PO3 Jeffrey Alcantara ang mga biktimang sina Richard Lising, 27, binata, driver ng Microbase motorbike (DO-39856), ng Bgy. Maliwalo, Tarlac City; at Jennilyn Agustin, 26, dalaga, ng Bgy. Timaguab, Santa Ignacia.
Sinalpok ang kanilang motorsiklo ng First North Luzon transit bus (UWH-268) na minamaneho ni Rogelio Balbin, 44, may asawa, ng Bgy. Bantog, San Quintin, Pangasinan. (Leandro Alborote)