ILOILO CITY – Napili ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6 ang mga dating rebelde sa Aklan para maging mga forest guard.

Inatasan ang mga dating kasapi ng Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPA/ABB)- Tabara Paduano Group na bantayan ang kagubatan at tumulong sa pagdakip sa mga ilegal na nagbibiyahe ng mga troso sa limang bulubunduking lugar sa bayan ng Ibajay.

Bahagi ng programang Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), binabayaran ng DENR-6 ang mga dating rebelde bilang forest guards. (Tara Yap)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog