ALIAGA, Nueva Ecija - Pinaniniwalaang natuldukan na ng pulisya ang large-scale illegal recruitment sa bayang ito makaraang masakote ng mga operatiba ng Aliaga Police ang dalawang umano’y kilabot na illegal recruiter sa Barangay San Pablo sa bayang ito, nitong Lunes.

Sa ulat na ipinarating ni Senior Insp. Randy P. Apolonio, hepe ng Aliaga Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office Director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, nakilala ang mga naaresto na sina Mercedita Laureto y Beltran, alyas “Nercy”, 56; at Tirso Laureto y Ciriola, 54, kapwa residente ng nasabing lugar.

Dakong 9:00 ng umaga nang madakip ang mga suspek sa kasong large scale illegal recruitment at walang inirekomendang kaukulang piyansa para sa kanila. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!