SAN FRANCISCO (AFP) – Humina na ang merkado para sa tablet, habang tumaas ang shipments ng mumurahing computers na may detachable screens, ayon sa market analysis firm na International Data Corporation.

Ang tablet makers ay naglabas ng 43 million units sa nakalipas na quarter, bumaba ng 14.7 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa IDC global quarterly report.

Samantala tumaas ang shipments ng “detachables,” computers na may screens na maaaring kabitan ng keyboard upang maging laptop style o baklasin at maging tablet style, na wala pang $200 ang presyuhan, ayon sa IDC analysts.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina