MALVAR, Batangas – Isang 12-anyos na lalaki at nakababata niyang kapatid na babae ang nasawi at 13 iba pa nilang kaanak ang nasugatan makaraang mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang Mitsubishi L300 sa Star Tollway sa Barangay San Juan sa bayang ito, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala sa police report ang mga nasawi na sina Janelle Anne Dalanon, 9; at Jaylord Lance Dalanon, 12, kapwa taga-Tanza, Cavite. Hindi na sila umabot nang buhay sa Mary Mediatrix Medical Center.

Sugatan naman sina Joseph Fernando, 44, driver, at residente ng Floodway Westbound, Pasig City; Randy Ubal, 43; Juniño Dalanon, 33; Maricar Dalanon, 32; John Niño R. Dalanon, isang taong gulang; Lorine Jasmin R. Dalanon, 7, pawang taga-Bgy. Bucal, Tanza, Cavite.

Nasugatan din sina Judith D. Dalanon, 32; Jesselle Anne Dalanon, 11; Jayson N. Dalanon, 30, pawang taga-Bgy.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Maybunga, Pasig City; Julie D. Fernando, 36; Joliseph D. Soberino, 8; Justine Kyle C. Dalanon, 10; at Adeluisa N. Dalanon, 61, pawang nakatira sa Floodway Westbound, Pasig City.

Ayon sa report, dakong 4:20 ng hapon at sakay ang pamilya Dalanon at iba pang kaanak sa Mitsubishi L300 M Bus (UUX-703) na minamaneho ni Fernando habang bumibiyahe sa KM 73+500 ng Star Tollway sa Malvar.

Nabatid sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang driver sa manibela ng sasakyan hanggang sa umikot ito at dumiretso sa kanal sa gilid ng highway.

Idinagdag naman sa ulat ng pulisya na lasing umano ang driver nang mangyari ang aksidente. (DANNY J. ESTACIO)