CARRANGLAN, Nueva Ecija - Dahil sa matinding problema sa pamilya bukod pa sa iniindang karamdaman, winakasan ng isang 47-anyos na magsasaka ang sarili niyang buhay nang magbaril siya sa sariling sentido sa Barangay Minuli kahapon, bisperas ng Undas.

Kinilala ng Carranglan Police ang nagpatiwakal na si Renato Valdez y Dacalpac, residente sa nasabing lugar, na nagtamo ng isang bala ng .45 caliber pistol sa sentido.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Boncad, dakong 8:30 ng umaga nang matagpuang nakahandusay si Valdez sa kanyang kuwarto, duguan at wala nang buhay.

Naisugod pa sa Jesus of Heart Hospital ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ayon sa ilang kaanak, labis na depresyon ang sinapit ni Valdez, na una nang dinapuan ng pneumonia at dengue.

Hindi naman natagpuan ang baril na ginamit sa pagpapatiwakal ni Valdez, at hindi natukoy kung sino ang nagligpit dito. (Light A. Nolasco)