Habang abala sa pagkukumpuni ng motorsiklo, pinasabog ng riding-in-tandem ang ulo ng isang mekaniko nang barilin ng dalawang beses sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hatinggabi.

Dead on the spot si Michael Acuna, 24, ng 1247 J. Yuseco Street, Tondo, Maynila, nang pagbabarilin ng mga suspek na inilarawang nasa edad 20-25, katamtaman ang pangangatawan, ang isa ay nakasuot ng puting t-shirt, habang ang isa ay nakasuot ng gray na t-shirt at sumbrero, habang magkaangkas sa Yamaha Mio.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nangyari ang insidente dakong 11:30 ng gabi sa 1228 Batangas St., Tondo.

Kinukumpuni umano ng biktima ang isang motorsiklo nang lapitan ng mga suspek at malapitang pinagbabaril hanggang sa bumagsak sa semento.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Tinutugis na ng awtoridad ang mga suspek. (Mary Ann Santiago)