VICTORIA, Tarlac – Umatake na naman ang mga kilabot na cattle rustlers at pinaglalapa ang apat na baka at mga buto na lang ng mga hayop ang kanilang iniwan sa sugarcane plantation sa Barangay San Andres, Victoria, Tarlac, Biyernes ng madaling araw.

Ang mga kinatay na baka ay pag-aari ni Amadeo Rigor, 55, may asawa, magsasaka, ng Bgy. San Gavino, Victoria, at nagkakahalaga ng mahigit P160,000.

Sa imbestigasyon ni PO3 Sonny Villacentino, ang mga buto ng baka ay nadiskubre ni Gabriel Valdez, 28, may asawa ng Bgy. San Andres, sa tubuhan ni Arnel Delos Reyes.

Ayon kina Federico Rebulledo at Wilson Sabado, kapwa nasa hustong gulang, dakong 4:00 ng hapon nang ipinastol nila ang apat na baka at iniwan doon nang magdamag. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog