Nag-plead ng ‘not guilty’ si Fatima Valdes, ang dating Board of Director ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), na kasamang akusado ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kasong plunder kaugnay sa paggamit ng P365.9 milyong intelligence funds ng ahensya.
Matapos ang kanyang arraignment, ibinalik si Valdes sa Makati Medical Center kung saan siya naka-hospital arrest dahil sa sakit sa puso.
Dumating si Valdes sa bansa noong Oktubre 11 mula New Zealand, at kaagad na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong plunder, na isang non-bailable offense.
Pinalaya si Arroyo kamakailan matapos ibasura ng Supreme Court ang kasong pandarambong dahil sa kakulangan ng ebidensya. (Rommel P. Tabbad)