BATANGAS - Dalawang pugante na lang ang tinutugis ng mga awtoridad mula sa 12 preso na tumakas nitong Lunes mula sa himpilan ng Malvar Police.

Ayon kay Senior Supt Leopoldo Cabanag, Jr., naaresto dakong 4:00 ng hapon nitong Martes sina Noel Malpas at Carissa Mae Salagan sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, samantalang bandang 6:45 ng gabi naman nadakip sa Bgy. Solis, Balete si Leodegario Lara, Jr.

Pinaghahanap na lang ng pulisya sina Jerald Rivo at Diego Barola.

Una nang naaresto sa Batangas at Quezon sina El King P. Leonida, Melvin T. Ona, Arvie S. Villegas, Freddie C. Santos, Artemio J Castillo, Jr., John Raniel H. Castillo, at Morris Rap G. Publico. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog