MOSCOW (Reuters) – Ibinunyag ng asawa ni Syrian President Bashar al-Assad sa isang panayam na inalok siya ng mga kalaban ng kanyang kabiyak ng pagkakataon na makatakas sa Syria, ngunit hindi siya umalis.

Nagsalita ng English sa Rossiya 24 channel ng Russia, hindi na pinangalanan ni Asma Assad, isinilang sa London at dating investment banker, kung sino ang nag-alok sa kanya. Ngunit sinabi niya na “stupid” ang nag-isip nito.

“Yes I was offered the opportunity to leave Syria or rather to run from Syria. It doesn’t take a genius to know what these people were really after. It was a deliberate attempt to shatter people’s confidence in their president,” diin ng 41-anyos na ina ng tatlong anak ni Assad, noong Martes.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline