BOSTON (AP) – Hataw si Isaiah Thomas sa natipang 19 puntos mula sa perpektong 6-for-6 sa field at 6-of-7 sa free throw para sandigan ang Celtics sa ikalimang sunod na panalo sa pamamagitan ng 120-99 dominasyon sa Brooklyn Nets nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nag-ambag s Jaylen Brown ng 12 puntos, habang kumana si Jae Crowder ng 11 puntos para sa Boston, tumipa ng winning streak matapos mabigo sa unang laro ng preseason kontra Philadelphia.

Nanguna si Sean Kilpatrick sa Nets sa naiskor na 15.

HORNETS 108, BULLS 104

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

sa Chicago, tinuldukan ng Charlotte Hornets, sa pangunguna nina Frank Kaminsky at Marco Belinelli, ang three-game win streak ng Bulls, sa 108-104 desisyon.

Kumubra sina Kaminsky at Belinelli ng tig-14 puntos para sa ikalawang sunod na panalo ng Hornets matapos matalo sa unang tatlong laro.

Hataw sa Bulls si Jimmy Butler na may 15 puntos, habang kumana sina Taj Gibson, Isaiah Canaan at Jerian Grant ng tig-12 puntos at nag-ambag sina Dwyane Wade at Robin Lopez ng tig-11 puntos.