7-robin-padilla-on-pgt-copy-copy

MAY mga kumokontra sa isinusulong ni Robin Padilla na maging legal ang paggamit ng medical marijuana sa bansa. May post sa Facebook si Robin tungkol dito at nabanggit pa ang pumanaw na character actor na si Dick Israel.

“Another victim of the medical marijuana oppression... I’m sorry I failed you dearest friend, I really thought this government is already educated enough to legalize medical marijuana... Hypocrites are still under the banner of big pharmaceutical companies..... Your sacrifice will never be forgotten... Hindi ko isinulat ito at pinost para sisihin ang gobyerno sa pagkamatay ng aking kaibigan kundi para ipaalam sa lahat na ang gamot na hinihingi sa akin ni Dick Israel ay medical marijuana at hindi ko naibigay sa kanya dahil BAWAL!!! Buhayin sa Kongreso ang #HB180.”

Hindi lang si Robin ang taga-showbiz na nagsusulong na maging legal ang paggamit ng medical marijuana, pero ‘wag na natin silang banggitin at baka ayaw nila. May mga rason ang mga nabanggit kung bakit nila gustong maging legal ang medical marijuana para gamitin sa mga taong may malubhang sakit. (NITZ MIRALLES)
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas