SEOUL, South Korea (AP) – Malulugi ang Samsung Electronics ng $3 billion ngayong quarter at sa susunod pa dahil sa discontinuation ng Galaxy Note 7.
Sinabi ng kumpanya noong Biyernes na dahil sa discontinuation ng Note 7 ay mababawasan ng mid-2 trillion won ang kita ng kumpanya mula Oktubre hanggang Disyembre at karagdagang 1 trillion won ($884 million) sa Enero hanggang Marso.
Dahil sa misteryosong pag-aapoy at overheating, dalawang beses na ipinabalik an mahigit 2.5 milyong Galaxy Note 7 smartphones, karamihan ay sa United States at South Korea, bago ito na-discontinue dalawang buwan lamang matapos ilunsad.