Isang pitong taong gulang na lalaki at dalawang taong gulang niyang kapatid na babae ang nasawi matapos silang tangayin ng rumaragasang baha sa San Mateo, Rizal nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Stephen Flores, ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang mga nasawi na sina Cedric Ortega, 7; at Chello Ortega, 2, kapwa taga-Barangay Gulod, San Mateo.

Ayon sa report sa MDRRMO, naiwan ng kanilang mga magulang ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Martes ng hapon, gayunman lumabas ng bahay ang magkapatid.

Ayon sa rescue team, natagpuan si Cedric sa kanal sa may Paraiso Street pasado 10:00 ng gabi, habang nadiskubre namang nakasabit sa puno ang wala nang buhay na si Chello. (Madelynne Dominguez)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder