BATANGAS CITY – Isang barangay kagawad na nasa drug watchlist ng pulisya ang pinatay habang nasugatan naman ang kasama niyang tanod makaraan silang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang sakay sa barangay patrol vehicle sa Sitio 6, Diversion Road sa Barangay Balagtas sa siyudad na ito, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ariel V. Hernandez, 54, kagawad ng Bgy. Balagtas; habang sugatan naman si Francisco Q. Ilao, 39, tanod sa lugar.

Dakong 10:30 ng umaga at sakay si Hernandez sa Barangay Patrol Mitsubishi L300 (SGB-275) na minamaneho ni Ilao nang pagbabarilin sila ng mga suspek bago agad na tumakas.

Ayon sa record ng pulisya, si Hernandez ay ika-651 sa drug watchlist ng Batangas City. (Danny J. Estacio)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder