TALAVERA, Nueva Ecija - Dahil sa malakas na boltahe ng kuryenteng pumasok sa katawan, isang 32-anyos na electrician ang namatay habang nagkakabit ng ground cluster sa Gift Power Plant Corporation Sub-station sa Purok 6, Barangay Bacal II sa bayang ito, nitong Biyernes ng tanghali.

Sa ulat ng Talavera Police, nakilala ang mga nakuryente na sina Reggie Dote y Relamida, 32, ng F. Pelias Street, Bgy. Talobo, Tagbilaran City; at Jayson Padua y Salvador, 22, binata, helper ni Dote, at taga-Bgy. San Agustin, San Jose City.

Lumabas sa imbestigasyon ni PO3 Marvin Verde, dakong 12:30 ng tanghali at nagkakabit ng ground cluster si Dote katulong si Padua nang madaiti siya sa high tension wire at agad naman siyang sinaklolohan ni Padua.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!