BABALIK daw sa GMA-7 si Ariel Rivera, pero hindi sinabi kung anong show ang gagawin nito at kung anong role ang gagampanan. Maghintay na lang daw ang fans ng singer-actor at bigla na lang itong bubulaga sa kanyang bagong show.

Walang makapagsabi kung sa isa sa existing shows ng network papasok si Ariel o sa mga ilalabas pa lang na programa ng GMA-7.

Kapag nasa GMA-7 na si Ariel, magkakahiwalay na naman sila ng network ng asawa niyang si Gelli de Belen na nasa cast ng Primetime Bida serye ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas.

Ang dalawang huling soap ni Ariel sa ABS-CBN ay ang Doble Kara at Born Four You. Samantala, noon pang 2009 ang huling soap niya sa GMA-7, ang Rosalinda. (Nitz Miralles)

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF