toni-copy

NAKABALIK na sa kanyang tahanan si Toni Braxton pagkaraan ng ilang araw na pamamalagi sa Los Angeles hospital para sa pagpapagamot ng lupus, ayon sa kanyang kinatawan.

 

Inihayag ng spokeswoman ni Braxton na si Maureen O’Connor noong Lunes na si Braxton ay “resting at home and is fine.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinunyag ng R&B singer noong 2010 na natuklasan ng mga doktor ang pagkakaroon niya ng autoimmune disease.

 

Sinabi rin ni O’Connor na hindi naman malubha ang kondisyon ni Braxton, ngunit idinagdag na dapat ay lagi itong namo-monitor.

 

Nagpaplano na rin si Toni Braxton na simulan ang kanyang rehearsals ngayong linggo para sa kanyang papalapit na tour, ayon kay O’Connor. (AP)