VICTORIA, Tarlac – Tatlong tao, kabilang ang dalawang menor de edad, ang dinakip ng mga awtoridad matapos mahulihan ng mga pekeng sigarilyo na ikinalat sa ilang lugar sa Victoria, Tarlac, nitong Martes ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Sonny Villacentino, inaresto sina Loriza Guerrero, 29, dalaga, driver ng Mitsubishi FB (RNF-913); isang 13-anyos na lalaki at isang 16 na taong gulang na lalaki, pawang taga-Talavera, Nueva Ecija.

Kahun-kahong pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek, makaraaang iulat ng isang concerned citizen sa pulisya na gumagala ang sasakyan ng mga suspek sa Bgy. Sta. Barbara at nagdi-distribute ng mga pekeng sigarilyo sa mga tindahan. (Leandro Alborote)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder