Kailangan nang magkaroon ng disiplina sa kalsada para mabawasan ang aksidente, matapos maitala ang 10,000 kaso at pagkamatay ng 549 na katao sa unang apat na buwan ng taon.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel III, dapat silipin ng Senate Committee on Public Order ang nasabing datos.
Aniya pa, sa istatistika ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), umabot sa 15,572 vehicular accidents na nagdulot ng 1,252 pagkamatay noong 2014; tumaas ito noong 2015 at nakapagtala ng 24,565 aksidente at 1,040 kaamatayan.
“The increase in the frequency of vehicular accidents highlights the pressing need to reassess current road safety rules and regulations and to initiate appropriate legislation to curb the significant number of injuries and casualties caused by non-compliance with traffic and road safety rules and regulations” ani Pimentel.
Aniya, karamihan sa mga aksidente ay sinasabing human error, kaya ang mainam na gawin ay ang pagpapatupad ng mahigpit na disiplina, impormasyon at edukasyon. (Leonel M. Abasola0