Naramdaman kahapon ang magkasunod na lindol sa Surigao del Norte at Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa report ng Phivolcs, dakong 6:22 ng umaga nang maitala ang epicenter ng magnitude 4.6 na pagyanig sa layong siyam na kilometro sa hilagang kanluran ng Malimono, Surigao del Norte, na lumikha ng lalim na 15 kilometro.

Magnitude 4 naman ang naramdaman sa Occidental Mindoro, dakong 6:50 ng umaga, may 33 kilometro sa timog silangan ng Looc, na lumikha ng lalim na 78 kilometro. - Rommel P. Tabbad

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar