SAN CLEMENTE, Tarlac – Dumulog sa pulisya ang isang babaeng guro sa pampublikong paaralan para ireklamo ang principal ng pinaglilingkurang paaralan na nangmolestiya umano sa kanya sa Maasin Elementary School sa bayang ito, nitong Martes ng hapon.

Sa report ni PO1 Mary Jane Melido, inireklamo ng 25-anyos na guro ang principal na si Loreto Garcia, 57, may asawa, ng Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac.

Ayon sa report, nasa principal’s office ang guro nang utusan siya ni Garcia na mag-print ng travel order para sa mga kasamahan niyang guro.

Gayunman, bigla umanong lumapit si Garcia sa guro at niyapos, hinalikan at pinaghihipuan ito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naghain ng sexual harassment ang guro laban sa principal. (Leandro Alborote0