GENERAL SANTOS CITY – Nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo ang isang pulis dahil sa pambubugbog umano sa isang binatilyong sumuko sa Oplan Tokhang sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Chief Insp. Joseph Galleto, hepe ng President Quirino Police, na inirekomenda niya ang paghahain ng mga kaso laban kay PO2 Leoncio Rufino, nakatalaga sa Provincial Public Safety Company, sa Internal Affairs Service ng pulisya makaraang ireklamo ito ng mga magulang ng isang 15-anyos na lalaki na binugbog umano ng pulis.

Nakasaad sa reklamo na lasing umano si Rufino nang gulpihin nito ang binatilyo sa Barangay Katiku, President Quirino nitong Lunes.

Ayon kay Sancho Salamanca, chairman ng Bgy. Katiku, kabilang ang biktima sa mahigit 50 sumuko sa Oplan Tokhang sa kanilang barangay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matindi ang tinamong bugbog ng binatilyo at na-confine pa sa ospital, ayon kay Salamanca. (Joseph Jubelag)