Tumataginting na P500,000 ang tinanggap ng bawat isa sa sampung pulis na tinanghal na ‘Country Outstanding Police Officers in Service’ (COPS).

Walang mapagsidlan sa katuwaan ang 10 pulis mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, makaraang mapiling Ten COPS awardee ng Metrobank Foundation at Rotary Club of New Manila East kahapon.

Kinilala ang mga ito na sina Supt. Susan Jalla, Supt. Mario Rariza Jr., Supt. Jemuel F. Siason, Chief Insp. Ryan Manongdo, SPO3 Esrael Lantinguin, SPO3 Hamidhon Tebbang, SPO2 Jefrey Oloc, SPO1 Mhay Rubio, PO3 Nida Gregas at PO2 Fatima Lanuza.

Ayon kay PNP Chief, Director General Ronald dela Rosa, ipinagmamalaki ng pulisya ang 10 awardee dahil ang mga ito ay “handang ibigay ang buhay sa mga mamamayan, maitupad lamang ng tapat ang serbisyo.” (Fer Taboy)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter