aly-at-kc-copy

NAGING malaking palaisipan at tila naguguluhan pa rin ang mahigit 1.5 million followers ni KC Concepcion sa kanyang Instagram post last September 15.

Nagdulot ang “status update” ni KC ng iba’t ibang espekulasyon, pagtataka at haka-haka sa tunay na relasyon niya sa football player na si Aly Borromeo.

Makikita sa post ng dalaga ang tatlong choices: SINGLE, TAKEN at nakasulat sa pangatlong box: “BUILDING AN EMPIRE, FINDING MYSELF, HEALING MYSELF, LOVING MYSELF, BEING PASSIONATE, GETTING FIT, GROWING FRIENDSHIPS, MEETING NEW PEOPLE & MAKING MEMORIES.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naguluhan ang netizens sa ikatlong box lalo na ang mga katagang ‘building myself,’ ‘finding myself’ at ‘healing myself.’ Nangangahulugan daw ba itong tinapos na ni KC ang ‘relasyon’ niya kay Aly Borromeo. Pero up to September 18 ay hindi sinasagot ng panganay ni Sharon Cuneta ang katanungan ng mga follower niya.

Matatandaang nagbakasyon pa sa Hong Kong sina KC at Aly last July, at nasundan pa ito ng outing sa San Juan, La Union a month after their trip sa dating Crown Colony. Last August 24, kasama pa si Aly sa dinner ng family ni KC para sa 53rd birthday ng stepfather niyang si Senator Kiko Pangilinan.

Pero higit pa rin ang naniniwala ang mga tagahanga ni KC na matibay ang relasyon ng dalawa at dasal ng mga ito na si Aly na ang makakatuluyan niya.

Finally, after four days, nitong Setyembre 19, nag-post ang dalaga ng picture na kasama niya ang Azkals player at nilagyan ng caption na: ‘us kids’ at sa dulo ay may emoticon na arrow. Pumalo na ito sa mahigit 12K plus likes.

Sabi ng mga tagahanga ng dalaga, sagot na raw ito na hindi pa hiwalay ang dalawa. Matibay din ang kanilang paniniwala na masaya at going strong ang relasyon nila at si Aly na nga ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa malungkot na gabi ni KC. (LITO MAÑAGO)