Patay ang magkapatid na sinasabing tulak ng ilegal na droga matapos makipagbarilan sa awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital ang suspek na si Jerome Lim, 21, binata, ng No. 2297 F.B. Harrison, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ang kapatid niyang si Michael, 23,binata, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Sa pagsisiyasat nina SPO1 Giovani Arcinue at PO3 Albert Barangas Jr. ng Pasay City Police, dakong 2:40 ng madaling araw isinagawa ang operasyon sa bahay ng magkapatid.

Hindi pa man naisasakatuparan ang transaksiyon ay nakatunog na umano ang magkapatid na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya bumunot sila ng baril at pinaputukan ang awtoridad hanggang sa magbarilan ang magkabilang panig.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makalipas ang ilang sandali, sugatang bumagsak ang mga suspek na agad namang dinala ng mga pulis sa nasabing pagamutan ngunit huli na ang lahat.

Narekober sa pinangyarihan ang isang kalibre .38 baril, isang .9mm norinco, isang magazine na may walong bala, isang maliit na plastic na naglalaman ng 10 pakete ng hinihinalang shabu at dalawang bukas na plastic sachet na may naiwang shabu, at apat na basyo ng bala ng .9mm. (Bella Gamotea)